Wednesday, March 17, 2010

Hangin

nasaan ka bang talaga?
maghapong inaabangan
umaraw man
o umulan...

pag-gising sa umaga
bakit hinahanap kita?
kahit di ka pa nakikita
alam kong naryan ka

dahilan upang muling sumaya
sana'y di na matapos pa
kailan ka ba makakasama?
kailan ka ba makikita?

mahalaga sa buhay
ang puno ng kulay
di mo lang alam
lahat ng ito'y tanging sayo lamang

kung kunin man ako ng may kapal
alam kong ikaw lang ang tangi kong mahal
di man makita ng aking mga mata...
alam kong ikaw ang aking nararamdaman

sana'y wala na itong katapusan

0 Rebuttals:

Related Posts with Thumbnails